Ito ang opening day ng Lola Akang's Payo kay Du30.
Eto ang Adbays #1:
Eto ang Adbays #1:
Adbays #1
Unahen natin ang payo ko tongkol sa health, lalo na ng maheherap na walang pambile ng masostansyang pagkaen at ng mga betamins.
Ire ang payo ko saiyo, apo Du30:
Gameten ang mga parking space ng SM (op kors wid d aprubal of SM) as a free exercise area sa umaga.
Maglagay ng mumurahing spiker at video player. Hindi ko alam ang mga teknikal na kailangan para magpalabas ng eksersays video o magpatugtog la-ang ng rak-en-roll.
Sa umaga, wala pang tao sa SM, bakante pa ang parking. Ang mga tao sa neighborhood ay pwedeng mag-okupa (led by d baranggay pipol) at luminya para mag-exercise o mag "dancercise". Araw-araw habang hindi pa sumisikat ang araw para hindi mainit. Sayawan, exersaysan - malaking kasayahan para sa lahat. Pero malaking tulong sa kalusugan.
Pero turuan din silang gumalang sa space. Ibig sabihin, iwasan magkalat sa parking space, wag sumira sa kapaligiran. Me kadugtong pa ito...
Ituloy naten ang Adbays #1:
Sa pamamagitan ng araw-araw na eksersays, magiging malusog ang mga tao sa barangay.
Sa araw-araw na kasayahan - gagaan ang loob ng mga tao, hindi magmumukmok sa kahirapan, magkakaroon ng paraan para makapag-enjoy.
Magkakaroon sila ng maraming kakilala at kaibigan, kasosyalan, ika nga.
Pwedeng isama ang mga lolo at lola, para manood at makisali sa kasayahan. Sasaya din ang mga matatanda na lagi lang nasa bahay at nanonood ng TB.
Kung gustong pagkaperahan, pwede rin itong i-telebays. Tapos yung mga palibot ng exersays area ay lagyan ng mga banners ng betamins o mga komersyal.
Pwede ring magtenda dun basta wag lang magkakalat o manggugulo.
Napakarameng pwedeng magawa sa simpleng ideya na ito, apo Du30, na wala naman masyadong gastos. Yun nga lang, kailangan kumbinsihin ang SM, at kailangan ay magaling mag-superbays ang baranggay kapten.
O ano, apo Du30, papasa ba sayo ang Adbays#1 ko???
Continuation of Adbays #1:
FREE group exersays, parang ganito. Para sa mga bata, at para na rin sa matatanda!
Ano ang sey ninyo, mga apo???
Pag aktibo ang mga tao - gumagaling ang diabetes, ang hay blad, ang rayuma, gumagaling ang emotional prablems, nawawala ang depresyon, etc.
Dagdag sa aking Adbays #1:
Hindi lang sa SM parking space pwede gawin ang baranggay exercise; pwede ito maski saang malaking lugar gaya ng church parking space, school playground, parks at iba pang maluwag na lugar.
Pwede ren kung walang togtog, pwede ang tambol, parang hala-bira!
Pwede rin kahit hinde eksersays, pwede rin gawing ZUMBA para mas masaya! kailangan lang ng isang DI (dance instructor) o zumba expert na siyang gagayahen ng mga tao.
Napakarameng pwedeng magawa sa aktibiti na ito!
Para ito sa maheherap, para sumaya naman ang bohay nila na hende sila gagastos!
Hoy mga meyor, mga baranggay kapten, kumilos kayo! Para sa bayan ito!